nostalgiamanila3

  • Subscribe to our RSS feed.
  • Twitter
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • Facebook
  • Digg

Saturday, September 30, 2006

Nostalgia List #05

Posted on 11:56 PM by fjtrfjf
"Crispa ka ba o Toyota?" Nostalgia Lists contain various fun memories of the '60s, '70s and '80s. Everyone is encouraged to participate and add to these growing lists. Send in your list items to nostalgiamanilamail[at]yahoo[dot]com, and those chosen will be added to the next list. Please make sure to check past Nostalgia Lists to see if your list items have already been posted.

68. Yung Cheez Whiz containers kapaerho ng Lily's Peanut Butter.

69. Dippin Donuts malapit sa Fiesta Carnival.

70. Happy Burger sa Escolta.

71. Pinaka exciting manuod ng PBA noon, at ang pinaka-matinging teams ay Crispa at Toyota. Either idol mo si Atoy Co o si Robert Jaworski.
Maraming salamat kay Arthur for lines 68-71

72. Lagi kang naglalaro ng Agawan Base tuwing recess, pero ang pinakamasaya pag-uwian. Tapos pinaguusapan ng buong classroom ang labanan the next day. Ang pinaka-sikat sa school ay yung pinaka-mabilis tumakbo at bihira mahuli.


"Sige naman please, I can't wait for List #06, let's do it na!"
Need more Nostalgia? Read: NOSTALGIA LIST #04

Technorati Tags:70s, 80s, nostalgia

Read More
Posted in Memories, Nostalgia Lists | No comments

Cartoon Flashback Of The Week: CANDY CANDY!

Posted on 6:35 PM by fjtrfjf
Technorati Tags:70s, 80s, tv, anime, nostalgia

Read More
Posted in Cartoons And Children's Shows | No comments

Thursday, September 28, 2006

Nostalgia List #04

Posted on 4:30 AM by fjtrfjf
"Lipad, Darna, Lipad!" Nostalgia Lists contain various fun memories of the '60s, '70s and '80s. Everyone is encouraged to participate and add to these growing lists. Send in your list items to nostalgiamanilamail[at]yahoo[dot]com, and those chosen will be added to the next list. Please make sure to check past Nostalgia Lists to see if your list items have already been posted.

64. Ang sikat na heavyweights noon ay sina Ike Lozada at Dabyana.

65. March 23, 1973 ang opening day ng "Lipad, Darna, Lipad!" starring Vilma Santos, breaks box office records. Ang cast ay nag-pamigay ng Darna dolls, at ang Coca Cola ay nagpamigay ng Darna character masks. Hindi pa matangos ang ilong ni Ate V noon, as you can see sa mga letrato rito.
*Salamat kay Eric Cueto ng Official Mars Ravelo's Darna Website*

66. Every Sunday hinahanap mo yung "A slice of life" cartoon page ni Larry Alcala sa Panorama Magazine. Naka bellbottoms pa yung mga tao sa drawing niya. Nakakatuwang full-page cartoon na hahanapin mo yung mukha ni Larry na nakatago.

67. Hindi ka makatulog dahil sa movie trailer ng "Shake Rattle And Roll".

68. Gumigising ka ng maaga tuwing Sabado para lang manuod ng Saturday Fun Machine. Nabibwiset ka pag hindi mo naabutan ang mga cartoons sa simula.
*Here's a good list of Hanna Barbera cartoons na pinapalabas sa Saturday Fun Machine*

Ilang tulog na lang at List #05 na! "Ows?! Hindi nga?"
Need more Nostalgia? Read: NOSTALGIA LIST #03

Technorati Tags:70s, 80s, nostalgia

Read More
Posted in Memories, Nostalgia Lists | No comments

Wednesday, September 27, 2006

"Saan mo gusto pumunta? Lipad tayo!"

Posted on 2:44 PM by fjtrfjf
"The special Philippine art of mixing East and West." 7 years old lang ako noong unang sumakay ako ng eroplano patungong US. Nagtratrabaho ang nanay ko sa isang travel agency sa Manila kaya panay ang biyahe namin noon. Lagi kong binibisita ang kanyang opisina pag walang eskuela. Isa yun sa mga paburito kong lugar na bisitahin dahil marami akong natututunan at nakikita, at siyempre babad ka sa masarap at malamig na aircon buong araw! Lagi kong tinitingan yung mga makulay na travel posters na naka-mount sa pader ng opisina. Sari-saring mga poster na may mga letrato ng ibat-ibang lugar mula sa ibat-ibang parte ng mundo: Sweden, China, Japan, Holland, at iba pa. Pag may bumubisita na taga PAL (Philippine Airlines) lagi siyang may dalang pasalubong para sa akin: minsan binigyan ako ng original na PAL Boeing 747 na airplane model. Mabigat dahil gawa sa diecast metal. Isa yun sa mga paburito kong laruan noon. Lagi ko rin dala kung saan ako pumapasyal ang aking PanAm airline bag na pinupuno ko ng kung ano-anong mga abubut na galing sa opisina at sa mga previous flights. Siyempre nabigyan din ako ng magandang dark blue na PAL airline bag. Sa loob nito ay may kumpletong toiletry kit na may logo ng PAL.


Vintage PAL Tickets, Boarding Passes, Vouchers, and Stubs
(CLICK ON IMAGE FOR LARGER VIEW)

Halos lahat ng makilala mong magagandang babae noon, gusto maging Flight Stewardess! Yun ang mga pangarap ng mga magagandang dalaga noon. Ang tinggin ng mga tao sa mga Flight Stewardess noon parang model o sikat na artista. At siyempre mas sikat yung mga piloto. May ninong ako noon na piloto at lagi siyang may bonggang handaan sa kanyang bahay. Lagi silang umuuwi ng may mga bagahe na umaapaw ng pasalubong, kung ano-anong mga regalo at chocolate na hindi mo mahahanap sa Manila. Pag umuuwi ang nanay ko galing sa biyaheng abroad, malaking event ang pagbukas ng maleta. Siyempre nandoon ang mga pasalubong diba? Pero ang talagang habol ko noon, ay yung amoy ng loob ng maleta sa unang pagbukas. Ang amoy ay parang nag halo-halong amoy ng pabango, bagong damit, bagong sapatos, mga foreign shopping bags, at sari-saring mga chocolate. Hindi ko makakalimutan ang matamis na amoy ng travel.


PAL Magazine Ad 1970


PAL Magazine Ad 1974


PAL Magazine Ad 1975


PAL Magazine Ad 1977


'70s PAL Airline Bag



Technorati Tags:70s, nostalgia

Read More
Posted in Articles, Memories | No comments

Tuesday, September 26, 2006

How Deep is your Love / The BeeGees Chords & Lyrics

Posted on 6:38 PM by fjtrfjf
Learn to play and sing the songs that have keept your fondest memories alive! Jingle SongHits Favorites brings you timeless classics that have always warmed our hearts. Let these songs take you back to all those wonderful years. It's yesterday once more.


HOW DEEP IS YOUR LOVE
Artist: The BeeGees

Intro: Eb Eb7+ G#7+ Ab/Bb

  Eb         Gm7     Fm7
I know your eyes in the morning sun
C7 Fm7 G7 Abmaj7/Bb
I feel you touch me in the pouring rain
Eb Gm7 Cm7
And the moment that you wander far from me
Fm7 Abmaj7/Bb
I wanna feel you in my arms again

Abmaj7 Gm7
And you come to me on a summer breeze
Fm7 Db9
Keep me warm in your love, then you softly leave
Gm7 Abmaj7/Bb
And it's me you need to show
Eb
How deep is your love

Chorus:

Ebmaj7
How deep is your love
Abmaj7 Abm6
I really mean to learn
Eb Gm7-5/Db C7
'Cause we're living in a world of fools breaking us down
Fm7
When they all should let us be
Abm6 Eb
We belong to you and me

Verse 2:

I believe in you
You know the door to my very soul
You're the light in my deepest, darkest night
You're my savior when I fall

And you may not think I care for you
When you know down inside that I really do
And it's me you need to show
How deep is your love



Technorati Tags:70s, music, chords, lyrics, nostalgia

Read More
Posted in Jingle Song Hits Favorites | No comments

Reader Nostalgia: Tambayan Memories of Manila in the '70s from Ramon

Posted on 2:32 PM by fjtrfjf

"Mahirap noon mag-happening at kailangan makauwi naka kaagad at may curfew noong Marital Law days...."

Dalawa lang ang grupo noon; either maka-Crispa ka o maka-Toyotas ka. O di kaya naman San Miguel ka o Beer Hausen ang toma mo....

Eh bakit pa Coke eh kung masmura ang Sarsi lalo na pagkatapos mag-basketball. Sabayan mo pa ng pandikoko o pandesal, dalawa lang ay busig ka na kasi nga puro laman at di puro hangin yung tinapay. Pag minamalas-malas, eh di Choc-Nut o Texas...

Kung sa pormahan lang, bigatin ka noon kapag: naka-Nic-Nic, Faded Glory o di kaya Bang Bang at siyempre dapat ang yosi mo Marlboro blue no....

Biyernes ngayon kaya dapat nasa Ortigas Unimart area ka at doon lagi ang happening; of course, era ng drag race (naka-CAM ba yan?) at Shakey's. Not to mention of course, WhereElse sa Hilton. O di kaya mag TIBS na lang sa may Makati ave. At pag minamalas-malas ka, darts la lang muna tayo...

If you live around the Pasig till Quiapo area, nothing beats the BARON bus lines. Di bale na kung tayuan, habol mo ay yung sounds and the rock ambiance of those days. Pati na rin yung mga mini-buses..eh ano kung eight-track walang sinabi noon yung Love Bus (the very first aircon bus lines to conquer the streets of the riding public)....

"BREAK BREAK...10-4 good lady..." Of course, lets not forget the days of the CB (Citizens Bond), rubber ducky,,,ay naka-bull whip!!!

Maalikaya....ooops, mali, mali!!!!

Kung taga-UST ka, tambayan mo ay yung Resto, kung UP naman, doon sa Quiosk o sa sunken o di kaya naman sa may tulay (ay!)...o mga mare't pare...kayo na magdugtong dito....

Dating presyo ng mga bilihin: Sine P1.50, pamasahe sa jeep 15c, isang kahang Marlboro P1.00, beer 35c, sarsi 15c...magpa-gupit ka pa 50c, texas lima 5c...lang hiya, eh san ka pa...


Reader Nostalgia from our friend: Ramon
Have some nostalgia of your own? Share them with us! Send your emails to: nostalgiamanilamail[at]yahoo[dot]com.

Technorati Tags:70s, nostalgia

Read More
Posted in Articles, Memories | No comments

Nostalgia List #03

Posted on 4:02 AM by fjtrfjf
"Uuuuy! Pahingi naman!" Nostalgia Lists contain various fun memories of the '60s, '70s and '80s. Everyone is encouraged to participate and add to these growing lists. Send in your list items to nostalgiamanilamail[at]yahoo[dot]com, and those chosen will be added to the next list. Please make sure to check past Nostalgia Lists to see if your list items have already been posted.

59. Si Bert Tawa Marcelo at si Pelita Corales ang hosts ng Bagong Kampeon. Natatawa ka sa mga jokes ni Bert, at pag nagtatagalog si Pelita meron siyang Cebuana accent.

60. White Rabbit candy, nakakain mo yung papel! Minsan nakikita mo na offering sa Sto. Nino ng bahay ng lola mo.

61. Haw Flakes, kungyari 1st communion.

62. Sa Club Filipino at Jeepney Bar sa Intercon Hotel ang may pinaka-masarap na Fresh Mango Juice, at Green Mango Juice. May totoong mga Jeepney sa loob ng Jeepney Bar noon na pinapasukan mo at doon sa loob ng Jeepney may mesa kung saan ka paghahandaan. Tapos pwede ka umupo sa harap ng jeep para magkungyari na ikaw ang driver na namamasada. "Beep! Beep!"

63.
Wala pang cable noon, pero meron namang Far East Network (FEN) ng US Armed Forces. Doon ka unang nakapanuod ng Wheel Of Fortune. *Salamat kay Alvin*

Don't go away! Nostalgia List #04 coming up! "Sarap naman!"
Need more Nostalgia? Read: NOSTALGIA LIST #02

Technorati Tags:70s, 80s, nostalgia

Notstalgia Manila
Read More
Posted in Memories, Nostalgia Lists | No comments

Sunday, September 24, 2006

"I am Agent Double Zero!" It's Weng Weng!

Posted on 8:16 PM by fjtrfjf
"Taas ang mga kamay!" ang isa sa mga famous dialogue lines ng mini-superstar na si Weng Weng. Lagi mong pinapanuod ang kanyang mga pelikula sa TV tuwing hapon, at ayaw na ayaw mong ma-miss kahit isang eksena kaya sinisugarado mo nakatimpla na yung Tang at meron kang nakahain na meriyenda sa tabi mo habang nanunuod ng "For Your Height Only".

2 (feet) & 9 (inches) 83 cm and height ni Weng Weng. Dahil sa kanyang mga sikat na pelikula na kumalat sa Asia at Europe, ay nilista siya sa Guiness Book Of World Records bilang shortest adult actor in a leading role. Natatandaan mo ba nung tumalon siya mula sa bintana ng mataas na building at ginamit niya ang payong niya na parang parachute? Eh yung sumakay siya ng kanyang secret agent jet pack? Kung kailangan mo ng tulong para matandaan lahat yon, heto ay para sa iyo! Heto mga kids ay isang magandang video featuring compiled movie clips at highlights ng mga pelikula ng mini-action star! Enjoy!
Need more Nostalgia? Read: NOSTALGIA LIST #01



Technorati Tags:70s, movies, tv, nostalgia

Read More
Posted in Articles, Movies | No comments

Sharon Cuneta / Sharon Vintage LP

Posted on 5:05 PM by fjtrfjf

Album Of The Week is made possible through the kindness of our good friend Edward De Los Santos
. For the best source of classic records, vintage magazines, and other amazing vintage collectibles, visit his Ebay stores: philippine.music (Ebay Philippines), and oldbestseller (Ebay USA).




Front Album Cover (CLICK IMAGE FOR LARGER VIEW)


Back Album Cover (CLICK IMAGE FOR LARGER VIEW)

More Records & Album Covers: Sampaguita / Sampaguita

Technorati Tags:70s, music, vintage, album cover, nostalgia

Read More
Posted in Album Covers, Album Of The Week | No comments

Nostalgia List #02

Posted on 4:25 PM by fjtrfjf
"V.O.S... pang romansa!" Nostalgia List #02! Nostalgia Lists contain various fun memories of the '60s, '70s and '80s. Everyone is encouraged to participate and add to these growing lists. Send in your list items to nostalgiamanilamail[at]yahoo[dot]com, and those chosen will be added to the next list. Please make sure to check past Nostalgia Lists to see if your list items have already been posted.

54. MaMonLuk masarap na mami at siopao.

55. Aristocrat Restaurant sa Roxas Boulevard dating tambayan ng mga artista.

56. Pag hapon nanunuod ka ng Piling Piling Pelikula, o Takilya sa IBC Channel 13.

57. Si Dante Varona ang tinawag na hari ng stunts. Tumalon siya mula sa taas ng San Juanico Bridge to prove it!

58. Inaabangan mo ang commercials ng VOS Brandy at White Castle Whiskey dahil laging may sexy na babae. Laging may mga sexing babae na naka-bikini at nakasakay sa puting kabayo sa beach. VOS Brandy Jingle: "V.O.S, VOS Brandy. VOS Brandy, pang rooooooo, maaaaan, saaaaaaa!" Dialogue ng sexing babae na naka suot ng pula: "VOS Brandy 5 years, pang romansa, especial."


STAY TUNED FOR Nostalgia List #03! "Bilis na kasi naman!"
Need more Nostalgia? Read: NOSTALGIA LIST #01

Technorati Tags:70s, 80s, nostalgia

Read More
Posted in Memories, Nostalgia Lists | No comments

Celso Ad Castillo Film Posterama

Posted on 1:43 AM by fjtrfjf
"Pinaka Magandang Hayop sa Balat ng Lupa!" Heto ang mga movie posters ng mga pelikula ni Celso Ad Castillo; ang controversial na director na nagbigay sa atin ng "Nympha" at ang legendary "Ang Pinaka Magandang Hayop sa Balat ng Lupa" starring ang Miss Universe ng panahong iyon na si Miss Gloria Diaz.

Ayon sa maraming movie critics, siya ang nag bigay daan sa pag-incorporate ng artistry at commercialism sa mga sex films na nag-simula noong '70. Maraming kilalang artista ang sumikat sa pag-ganap sa kanyang mga pelikula. Heto at ating balikan ang makulay na daigdig ni direk Celso Ad Castillo.


Nympha (1971) Winner: Best Cinematography / Black & White


Ang Mahiwagang Daigdig ni Pedro Penduko (1973) Winner: Best Comedy Picture / Best Supporting Actor Best Cinematography / Best Music / Starring: Ramon Zamora


Kung Bakit Dugo ang Kulay ng Gabi (1974) Winner: Best Actress / Best Screenplay / Starring: Alona Alegre / Rita Gomez / Celia Rodriguez / Liza Lorena


Return of The Dragon (1974) Starring: Ramon Zamora



Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa (1974) Starring: Gloria Diaz


Burlesk Queen (1977) Winner: Best Picture / Best Actress / Best Actor / Best Director / Best Screenplay / Best Music / Best Production Design / Best Editing / Best Supporting Actor / Best Supporting Actress / Starring: Vilma Santos


Virgin People (1983) Top Grosser: 1983 Manila International Film Festival / Starring: Janet Bordon / Myrna Castillo / Pepsi Paloma


Pedero Tunasan (1983) Starring: Lito Lapid


For more nostalgia, read: NOSTALGIA LIST #01



Technorati Tags:70s, 80s, movies, nostalgia

Notstalgia Manila
Read More
Posted in Articles, Movies | No comments

Wednesday, September 20, 2006

Forgotten Wonders Of The PLDT Rotary Phone

Posted on 4:40 PM by fjtrfjf
"Partyline paki baba nga yung telepono, kanina ka pa!" Napakalayo na talaga ng narating ng technology ano? Marami na sa atin ang nakalimot sa buhay natin noon: bago pa magka-cell phone, bago pa magka-internet, bago pa magka-answering machine, bago pa magka-Pocket Bell, bago pa magkaroon ng push button telephone, meron tayong rotary phone! "Rotary ano? Rotary Club?" Hindi Rotary Club! Rotary Phone! Kahit wala lahat yun mga ibang gamit na binanggit ko, nabuhay tayo lahat. Kahit na may pagka primitive ang tinggin ng iba sa buhay natin noon, lagi kang napapangiti o natatawa sa mga alaala. After all, marami kang memories na kasama ang telepono mula nung bata ka pa, hanggang sa iyong paglaki. Heto at bumalik tayo sa mas simpleng panahon.

Standard model ng rotary phone. Ito ang telephone mo sa bahay.

MORTAL ENEMY MONG PARTYLINE
Halos lahat tayo meron nito. Limitado ang analog lines ng PLDT noong araw at minsan nag-papatong-patong ang mga linya. Gusto mo mang gamitin ang telepono, pero laging nasa kabilang linya ang partyline at parang hindi siya nauubusan ng kwento dahil lagi niyang ginagamit ang linya. Kaaway ng buong pamilya mo itong hinayupak na to na mahilig mag-telebabad na ayaw magpatawad.

Araw at gabi, laging pinagaawayan ang linya. May mga partyline na mapag-bigay na ibababa ang telepono pagmatapos sila makipag chismisan, pero maroon yung mga hindi talaga nagpapatalo. Patayan para sa paggamit ng linya? Minsan! May mga kwento-kwento tungkol sa mga barako na nag-hamunan para magkita, at nag gulpihan dahil sa pangaabuso ng linya. "Sus mariyosep naman talaga ano?"

Typical partyline memory ng karamihan sa atin: Ang sarap ng siyesta mo maghapon, hanggang nagising ka sa sigawan na galing sa sala. Ayun! Yung nanay o tita mong mainit ang ulo ay nakikipagsagupaan sa partyline para gamiting ang telepono at minsan ang sagutan ay halos isang oras! Matapos ang sagutan ay may kasunod na malakas na pag-BANG ng receiver. Kaya naman siguro mabibigat at matitibay ang mga telepono noon para hindi madaling masira. Isipin mo kung ilan taon bago pinalitan and inyong phone? Matagal rin diba? Minsan lang dumalaw ang PLDT para mag-service, pero yung black ninyong telepono ay hindi nasisira; mas lalo na yung mas luma pang telepono sa bahay ng lola at lolo mo. Halos panahon pa ng Hapon yung telepono nila.


Telepono sa bahay ng lolo at lola mo. Tiyak na mas lumang model, "Panahon pa ng Hapon!" Mas mabigat dahil maraming metal at heavy moulded plastic parts; halos 1.5 lbs ang bigat ng handset, pero napaka tibay! Hindi nasisira kahit ilang bagsakan ng handset.

ANG CROSSLINE
Bago pa ang Instant Messenger, Net Meeting, Mirc, bago pa ang chat, bago pa nagka personal computer sa bahay ninyo, wala pang three-way calling, mayroon isang paraan para magkausap ang maraming tao na sabay sabay. Pero hindi ito alam ng marami at kakaunti lang ang gumagawa nito. Pag bakasyon sa summer mahahaba ang araw at lagi kang nag hahanap ng libangan. Minsan nadiskubre mo na pag marami kang na-dial na numero na sunod-sunod ng mabilis, bigla ka na lang makakapasok sa isang linya na maraming tao ang nag-uusap na SABAY-SABAY! Minsan tatlong tao, minsan walo pa nga! Bilib ka sa mga tao na gumagamit nito dahil kahit sabay-sabay silang naguusap, nagkakaintindihan sila at meron pa silang sariling crossline lingo, parang sa CB o radio. Maa-access mo rin ito pag ginamit mo yung plunge button, o clicker na parang morse code. Ika nga, parang early day hacking ano? Nakakatuwang isipin na bago pa magka-chat, eh meron nang crossline community.


"Ms. Landrito, please ask Mr. Asuncion wat time he would like tu hab our berry important meeting please." More stylish white phone. Minsan off white, cream o beige. Usually nakikita mong ginagamit sa mga opisina.


SI ROMEO EN JULIET NAGKAKILALA BILANG PHONEPAL
Ilang beses kang nakasagot ng tawag at ang greeting sa iyo ay:

"Hello? Hello? A... pwedeng makipag phonepal?"

Minsan tumambay ka sa may tabi ng sari-sari store, at nakita mo yung nagbabantay na abalang-abala sa pagsulat ng love letter. Tinanung mo kung sino ang sinusulatan niya habang umiinom ka ng malamig na Coke solo. "Sa penpal ko sa Maccao." Nahanap niya ang kanyang penpal sa isang ad na naka-imprenta sa Song Hits. Maraming kinasal sa penpal, pero marami din ang nag-sama dahil sa phonepal. Mas mabilis nga naman kasi ang resulta kung ikukumpira sa penpal. Isipin mo, pwede kang tumawag ng kahit anong ranom na numero tapos kung nagustuhan mo ang boses, tanungin mo kung gusto niya makipag-kwentuhan. Kung ayaw nila, eh di tawag ulit!


"Room service please!" Heto ang nakikita mo sa mga magagandang hotel.


MGA KWENTO MULA SA ATING MGA TAGAPAGBASA
Marami kang matatandaan na nakakatuwang kwento o misadventures with your telephone noong araw. Mag-email ka sa akin para mabasa ng marami at masiyahan sa iyong matamis o mapait na alaala.

Gumagamit ako noon ng crossline! Tama ka at merong special codes at language na parang radyo. May kanyakanya kaming mga handle para alam namin kung sino ang kinakausap namin. pagmadalas ka sa crossline nabobosesan mo yung mga tao at nakikilala mo sila lahat.
Maraming salamat.
--Rudy--


Minsan nagka phonepal ako noon. Galing raw siya sa Baguio so long distance ang kanyang mga tawag pero lagi siya ang tumatawag sa akin. Hindi ko naisip na hingiin sa kanya ang kanyang number. Mga tatlong buwan mahigit kaming nagusap pero bigla na lang siya hindi tumawag. Nalungkot ako at hindi malaman ng mga kaibigan ko kung bakit. 30 years later, may asawa na ako at pamilya pero hindi ko pa rin malimutan ang aking naging phonepal na taga Baguio.
--Rosemarie--

Teenager ako noon sa probinsya at nilalakad ko ang kabilang bario para makigamit ng telepono. Isang bahay lang sa buong bario ang may telepono. Yung telepono nila ginawa nilang business at nilagay nila sa harap ng kanilang tindahan, piso bawat limang minuto. Laging puno ang harap ng tindahan nila at lahat naghihintay para gamitin ang telepono. Kaya naman naisipan ng pamilya magbenta ng barbecue sa may tabi ng tindahan para ibenta sa mga taong naghihintay. Panay tawag ko noon sa mga pinsan ko sa Baclaran tuwing linggo. Ngayon nandito na ako sa Maynila at namamasukan sa isang call center bilang isang call operator. Malaking parte ng buhay ko ang telepono.
--Miguel--


For more nostalgia, read: NOSTALGIA LIST #01



Technorati Tags:70s, 80s, nostalgia
Notstalgia Manila
Read More
Posted in Articles, Memories | No comments
Newer Posts Older Posts Home
View mobile version
Subscribe to: Posts (Atom)

Popular Posts

  • Remembering Marlo And The Magic Movie Machine
    Marlo and the Magic Movie Machine is one of those long lost gems that we all loved watching back in the late '70s. After several years o...
  • Classic WB Cartoons! Watch Merrie Melodies & Looney Tunes Full-Length Episodes
    Nostalgia Manila Free TV Enjoy watching full-length DVD quality episodes of some of your favorite '70s and '80s tv shows! New episod...
  • Nostalgia Treasure: Jollibee Character Song Cassette Tapes
    "Naaalala mo pa ba ito?" Everyone has some Nostalgia Treasure waiting to be found. Dig up your Nostalgia Treasure and share it wi...
  • Original Eat Bulaga Theme Lyrics
    "Mula Aparri hanggang Jolo..." Ang Eat bulaga ay unang pinalabas noong July 30, 1979 sa RPN 9 (Radio Philippines Network) sa Broa...
  • Cartoon Flashback: Remembering The Super 6
    The Super 6 was an animated cartoon series which was produced by DePatie-Freleng Enterprises in 1966 and shown every Saturday morning during...
  • From Waikiki With Love: Remembering Tom Babauta
    By: Guillermo Ramos The star of Strangers in Paradise remained a stranger in paradise. For decades the Philippine movie industry has been ...
  • Si Pugo at si Togo: The original comic duo!
    Si Pugo at si Togo ay ang original na comic duo na nagbigay katatawanan sa mga Pilipino noong panahon ng gera (Japanese occupation) ng World...
  • Nostalgia Bloggista: Ala Paredes
    Are you a Pinoy Blogger? Get featured as a Nostalgia Bloggista! Not only are you sharing your wonderful memories of the '70s and '80...
  • VST & Company Photo Album: Nostalgic Photos of The Original Disco Kings
    Everyone is a big VST & Company fan! It's pretty obvious why everyone loves VST & Company. They were the biggest hitmakers of th...
  • Lucky13 & Kulit Bulilit Photos 1978
    Time is frozen in a single frame of film. Every bit of detail is perfectly captured by the camera lens. These photos take us back to those w...

Categories

  • Album Covers
  • Album Of The Week
  • Articles
  • Bagets
  • Battle Of The Stars
  • Bmx Diaries
  • Cars And Cool Rides
  • Cartoon TV Rama
  • Cartoons And Children's Shows
  • Choose Your Own Adventure
  • Comics
  • Commercials
  • Contests and Promos
  • Daimos
  • Electric Company Mondays
  • Fan Mail
  • Fashion
  • Filipino Classic Cinema
  • Flintstones
  • Gilligan's Island
  • GRamos
  • Interviews
  • Japanese Robots
  • Jetsons
  • Jingle Song Hits Favorites
  • Klassik Komiks Covers
  • Little Jungle
  • Living In The Twilight Zone
  • Looney Tunes
  • Lyrics
  • Magazines
  • Memories
  • Menu
  • Merrie Melodies
  • Movies
  • Mula Sa Mahiwagang Baul
  • Music
  • Music Videos
  • New Adventures Of Batman
  • NewsFlash
  • Nostalgia Bloggista
  • Nostalgia Lists
  • Nostalgia Manila Free TV
  • Nostalgia Treasure
  • Nostalgia Wheels
  • Penmans Point
  • Photo Nostalgia
  • Places
  • Pormang Nostalgia
  • Postcards
  • Quizes And Puzzles
  • Real Life Scary Stories
  • Scooby-Doo
  • Seeing Stars
  • Silverhawks
  • Sino Nga
  • Smurfs
  • Specials
  • Sponsor Page
  • Stories
  • Super 6
  • Tarzan
  • Television
  • The Adventures Of Superman
  • The Random Recall Machine
  • The Sesame Street Lunchbox
  • Three Stooges
  • Thundercats
  • Toys And Games
  • TV Times Television Greats
  • Ulysses 31
  • Updates And Announcements
  • Video Hit Parade Classics
  • Voltes V
  • Vst And Company
  • Wonder Woman

Blog Archive

  • ►  2007 (269)
    • ►  March (89)
    • ►  February (100)
    • ►  January (80)
  • ▼  2006 (151)
    • ►  December (6)
    • ►  November (64)
    • ►  October (44)
    • ▼  September (16)
      • Nostalgia List #05
      • Cartoon Flashback Of The Week: CANDY CANDY!
      • Nostalgia List #04
      • "Saan mo gusto pumunta? Lipad tayo!"
      • How Deep is your Love / The BeeGees Chords & Lyrics
      • Reader Nostalgia: Tambayan Memories of Manila in t...
      • Nostalgia List #03
      • "I am Agent Double Zero!" It's Weng Weng!
      • Sharon Cuneta / Sharon Vintage LP
      • Nostalgia List #02
      • Celso Ad Castillo Film Posterama
      • Forgotten Wonders Of The PLDT Rotary Phone
      • Game & Watch! The Original Pocket Video Game
      • VST & Company Photo Album: Nostalgic Photos of The...
      • Sampaguita Vintage LP
      • Nostalgia List #01
    • ►  January (21)
  • ►  2005 (1)
    • ►  December (1)
Powered by Blogger.

About Me

fjtrfjf
View my complete profile