Nakatawa kung isipin itong short TV Game Show na ito. Very few people remember kung sino ang mga original hosts nito, dahil nagiba over time. Some people remember: Dandin Ranillo, Dodong, Joe D' Mango, & even Joey De Leon. Tatawag ka sa programa, kung ikaw ang sinagot ikaw ang home contestant. Papanuurin mo ang TV screen mo at maglalaro ka ng parang Space Battle-type video game by Intellivision. Mukhang nakatutok ang studio camera sa screen na may space shooting video game, at sisigaw ka ng: "Pow! Pow! Pow! Pow!"
Yung pagsabi mo ng "Pow!", yun ang parang trigger ng pagtira ng spaceship mo sa mga aliens sa game. Akala ng marami ay mayroong sophisticated na voice activated television game console ang studio, pero ang totoo ay may isang studio assistant na nakikinig sa kabilang linya ng telepono na siyang taga-press ng fire button sa video game controller. Pag nahihiya ka dahil naririnig mo ang boses mo sa TV, at hindi ka naririnig ng assistant, walang laser na lalabas sa spaceship mo. "Laksan nyo po ang pag-Pow para makarami." Diyos ko po! Pero this seemingly silly game segment concept worked at maraming naaliw.
May mga tatawag at mabagal ang pag -Pow nila, tuloy kinakanchawan sila ng host:
"Naaakuuu! Bilisan nyo po para mataas ang iyong premyo!"
"Pow... ... pow... pow..."
"Kakagising lang ba ninyo? Bilisan nyo pa para mataas ang premyo."
"Pow..."
"Sige pow pa ng pow!"
"Bow... ay... pow pala..."
Meron namang mga sabik maglaro; hindi pa nagsisimula ang game...
"PAPAPAPAPAPAPAPAPAPAPAW PAW PAW PAW!"
"Sandali! Sandali lang! Para kang galing sa Vietnam. Hindi pa nagsisimula nagpaputok ka na ng machine gun!", sabi ni Joey kasunod ng laugh track.
Siyempre pataasan ng points at meron kang cash prize pag nanalo ka. Many people remember winning P50! Wacky at out of this world ang concept, pero nakakatuwa dahil kahit maikli lang ang segment ng programa at napaka low-tech ang available technology, very inventive ang idea, at kwela nga naman.
Want more nostalgia? Read: Forgotten wonders of the PLDT rotary phone
Technorati Tags:70s, 80s, video game, tv, nostalgia
No comments:
Post a Comment