Wednesday, November 1, 2006

Speak & Spell! Your first talking educational toy.

"Spell dog: D*o*g*... correct!" Aliw na aliw ka sa boses ng Speak & Spell na tunog robot, at minsan akala mo talagang kinakausap ka nito. At bakit nga naman hindi mo ito iisipin? Walang ibang laruan noon na ganito ka interactive. Kaya naman pala madaling isipin na ang Speak & Spell ay talagang nakikipag-laro sa iyo. Unang lumabas sa market ang Speak & Spell noong 1978, manufactured by Texas Instruments. Ang Speak & Spell ay isa sa mga kaunaunahang electronic toys na may speech technology, at mula pa sa unang labas ay ipinromote ito bilang isang educational toy.

Naging iconic itong Speak & Spell nuong ginamit ito ng lovable alien na si E.T. (sa pag-"phone home" niya sa kanyang mother ship) sa pelikulang E.T. The Extra-Terrestrial noong 1982. Ang unang model ng Speak & Spell ay may raised keys, at ang mga sumunod na models ay may flat membrane keypad. May ilang spelling at memory games ito, at maaring i-adjust ang difficulty level pag pinalitan mo ang learning module o cartridge. Nag-labas din ang Texas Instruments ng Speak & Math (asul ang kulay), at Speak & Read (dilaw ang kulay). Pero di hamak na mas popular at mabili ang original na pulang Speak & Spell.




Namimis mo ba ang laruang ito? Buti na lang at mayroong virtual Speak & Spell Simulator! Heto at subukan mo: Click to launch Speak & Spell Simulator
For more nostalgia read: Super Trump! Your first collectible card game.
Technorati Tags:, , ,

No comments:

Post a Comment