Thursday, January 18, 2007

Boys Do Fall In Love - Robin Gibb 80's Music Video

Tuwing hapon nanunuod ka noon ng Video Hit Parade. Ang dami mong mga music videos na napanuod, at ito ang una mong introduction sa mundo ng MTV. Marami kang nadiskubreng mga banda at music artists na may kanyakanyang mga hits, porma, at siyempre, music videos! Video Hit Parade Classics brings you classic music videos na hindi natin malilimutan!

Boys Do Fall In Love - Robin Gibb
"Bo-bo-bo-boys fall in love!"


Medyo mahirap isipin na ito ang parehong Robin Gibb na kumanta ng "Staying Alive" kasama ng kanyang mga kapatid na si Barry at Maurice. Noong nawala sa spotlight ang legendary group, (Beegees) nag kanya-kanya ang tatlong kapatid para gawin ang kanilang mga solo music projects. Naging malaking hit ito sa Manila noong panahon ng big teen movie hit na Campus Beat, starring Aga Muhlach. Natuwa ka nung una mo nakita ang video na ito sa TV. Ang setting ng mala-futuristic na music video ay sa isang space station, at aliw na aliw ka nung una mong nakita ang dalawang android na sumasayaw ng robot dance.


More Video Hit Parade Classics: Pale Shelter - Tears For Fears

Technorati Tags:, , ,

No comments:

Post a Comment