Wednesday, February 7, 2007

The More You Live The More You Love - A Flock Of Seagulls 80's Music Video

Tuwing hapon nanunuod ka noon ng Video Hit Parade. Ang dami mong mga music videos na napanuod, at ito ang una mong introduction sa mundo ng MTV. Marami kang nadiskubreng mga banda at music artists na may kanyakanyang mga hits, porma, at siyempre, music videos! Video Hit Parade Classics brings you classic music videos na hindi natin malilimutan!

The More You Live The More You Love - A Flock Of Seagulls
"Don't ever give your love to a stranger."


Ilang beses mo ito sinayaw sa mga parties at mga soiree ng panahon. Ilang beses mo ito hinintay na patugtugin sa radio para mai-tape mo. Hinanap mo ang lyrics sa Song Hits at Jingle Magazine, para lang malaman mo ang akala mong totoong lyrics, pero ang totoo ay mali-mali rin ang pagka-transcribe ng mga nagtratrabaho sa Song Hits. Ganoon pa man, ito ang pinakapaburito mong kanta mo ng 'A Flock Of Seagulls'. Siyempre talaga namang nasiyahan ka noong makita mo itong video na ito sa tv; na sa sobrang saya mo, ay nakalimutan mo na may kausap ka pala sa telepono!



More Video Hit Parade Classics: Take On Me - A-Ha

Technorati Tags:, , ,

No comments:

Post a Comment