Saturday, March 10, 2007

If You Leave - OMD 80's Music Video

Tuwing hapon nanunuod ka noon ng Video Hit Parade. Ang dami mong mga music videos na napanuod, at ito ang una mong introduction sa mundo ng MTV. Marami kang nadiskubreng mga banda at music artists na may kanyakanyang mga hits, porma, at siyempre, music videos! Video Hit Parade Classics brings you classic music videos na hindi natin malilimutan!

If You Leave - OMD
"I touch you once, I touch you twice, I won’t let go at any price."


Sinulat ng OMD and kantang ito noong 1985, pero hindi nakilala ng marami hanggang sa 1986, ang taon na nasama ito sa soundtrack ng pelikulang "Pretty In Pink". Sa una pa lang, ay naging instant hit ito sa panglasa ng mga Pinoy. Ang kantang ito ay naging instant classic theme ng maraming high schoolers ng panahon, at soundtack sa kanilang pag graduate at mga "goodbye parties". Maraming nagsulat ng lyrics ng kantang ito sa kanilang mga yearbook as dedications and parting words, para sa kanilang mga mahal na mga classmates na magkakanyakanya na. Whether theme song ng mga break-ups, school gradutaions, o pagwatak-watak ng barkada, ang If You Leave naging isa sa mga memorable na Nu Wave hits ng Dekada '80s.


More Video Hit Parade Classics: Love Is Love - Culture Club

Technorati Tags:, , ,

No comments:

Post a Comment