Monday, March 5, 2007

The Great Commandment - Camouflage 80's Music Video

Tuwing hapon nanunuod ka noon ng Video Hit Parade. Ang dami mong mga music videos na napanuod, at ito ang una mong introduction sa mundo ng MTV. Marami kang nadiskubreng mga banda at music artists na may kanyakanyang mga hits, porma, at siyempre, music videos! Video Hit Parade Classics brings you classic music videos na hindi natin malilimutan!

The Great Commandment - Camouflage
"The great commandment shows the contempt, between the world and their embarrasing pavement."


Noong una mo narinig ito, akala mo Depeche Mode ang kumanta. Pumunta ka sa paburito mong record bar pero hindi mo nahanap ang kanta. Nalaman mo nalang sa iyong kaibigang DJ at audiophile, na kinanta pala ito ng isang German group called Camouflage. Ang Camouflage ay nanalo ng isang local radio music contest sa Germany noong 1986, at isinubmit itong kantang ito sa mga record labels. Sa sumunod na taon, naging hit ang Great Commandment sa German charts, at noong dumating ito sa Pinas ay naging paburito ng mga DJ ipatugtog sa mga parties at soiree. Hanggang ngayon, maraming tao ang nalilito at akala ito ay Depeche Mode song. Similar to the mistake that most people make thinking that "Sumayaw Sumunod" is a VST & Company song, pero ang totoo ay kanta yun ng Boyfriends.


More Video Hit Parade Classics: The Ghost In You - The Psychedelic Furs

Technorati Tags:, , ,

No comments:

Post a Comment