May isang malaking puno dati sa Baguio City na nakikita mo pag papunta ka ng Camp John Hay o PMA. Hindi mo na makikita ang punong ito ngayon dahil matagal na itong pinatanggal ng mga local officials dahil sa dami ng mga nadidisgrasya dito. May babae na dating nagpapakita sa mga dumadaan sa tabi ng punong iyon, at sa takot ng mga nagmamaneho karamihan sa kanila ay namamatay sa aksidente.
Ang babaeng nagpapakita ay dati raw na taga Baguio noong 1960's. Ayon sa mga nakakaalam ng istorya siya raw ay date ng isang kadete sa kanyang hop (parang prom party ng PMA). Noong gabi ng hop, matagal na naghanap ng masasakyan ang babae pero wala siyang makita. Naisipan niya maglakad na lang dahil huling-huli na siya. Sa kanyang paglalakad may dumaan at humintong taxi. Ngunit imbes na kunin siya bilang pasahero, ginahasa ng driver ang dalaga at pinatay siya pagkatapos. Hindi malaman ng kadete kung ano ang nangyari sa kanyang date at hindi nakarating ang dalaga sa hop. Kinabukasan nabalitaan na may babaeng nakabitay sa isang malaking puno sa tabi ng daan.
Diplomat Hotel
Noong May 1911 ibinoto ng Council ng Dominican Order na magtayo ng isang rest house para sa mga terminally ill na patiente sa Baguio City. Ito raw ay itatayo sa isang lupain na 17 hectares na tinawag na Dominican Hill. Ang unang building ay ininagurate noong May 23, 1915. Dahil sa tax exemptions ng panahon, ang Collegio del Santissimo Rosario ay ibunukas sa publiko noong June 1915. Dahil kaunti lang ang nag-enroll sa paaralan, ito ay nagsara matapos ng dalawang taon noong 1917, at muling ginawang vacation house sanitarium.
Philippine Military Academy
Maraming nagmumulto PMA. Pag hatinggabi mayroong platoon na maririnig nagmamarcha sa parade grounds. Isang kilalang kadete ang nagpapakitang nakasuot ng full-parade uniform sa locker room. Isang pare naman na napugutan ng ulo noong panahon ng Hapon ang lumilibot sa main building, pati na rin ang isang white lady na madalas makita ng mga guardia.
Teacher's Camp
Maraming kuwento tungkol sa mga nagmumulto ng Teacher's Camp. Noong late ' 60s' at early 70s maraming nag-shooting ng mga pelikula rito. Hindi raw makatulog ang film crew dahil sa mga nakakatakot na ingay na madalas nilang marinig. Ayon sa mga nakatira doon ang lupain ng Teacher's Camp raw ay ang original battlefield ng mga natives noong unang panahon, at gabi-gabi silang nagpapakita sa mga bumibisita at nagbabakasyon dito.
Technorati Tags:60s, 70s, nostalgia
0 comments:
Post a Comment