"Malikmata, Limbo, Mga Aninong Gumagalaw, kapag pinanood ko sa TV ay hindi ako makatulog dahil nakakatakot."
Ang mga larong kalye noon ay patintero, tumbang preso (may lata sa gitna na patutumbahin mo ng iyong tsinelas), turumpo, luksong tinik, luksong baka, viola kamatis, taguan or hide and seek, holen na I-shoot mo sa apat na butas, sipa na gawa sa tingga tapos babalutin ng papel na gupit gupit tapos pataasan ng sipa, o kaya naman sipa na gawa sa dahon na binungkos ng goma tapos paramihan ng sipa hanggang ma dead ka kapag na miss mo ang sipa, piko (kailangan mo ng chalk para gawin ang piko), pusa at daga, Chinese Garter, agawan ng panyo, habulan at iba pa. Ingat ka lang dahil kapag nadapa ka sa aspaltong kalye, warak ang tuhod mo at mainit ang palad mo. Tapos lalagyang ng pulang gamut na mahapdi o "merthaiolet".
Idagdag mo pa rito iyong teks (D' Longest Days, Batman etc.), lastiko, kalog using the tansan of softdrinks like RC Cola, Sarsi, Sunta, Mirinda. Yes Cola, Teem etc., iyong wrapper ng sigarilyo (Philip Morris, Lucky Strike, L & M, Fortune),tinitiklop para maging pera perahan, tapos iyong scooter na yari sa kahoy tapos may gulong na lumang "bearing", iyong lata ng sardines na Rose Bowl (lapad) na ginagawang truck na may gulong na tansan.
Iyong sigarilyo ng matatanda ay La Campana, Alhambra at mga kauri, wala siyang filter at sinusubo ng iba iyong may dingas.
Kapag may sakit ang bata at hindi makuha ng gamut ay dinadala ka ng Nanay mo sa manghihilot o mag-tatawas (iyong patak ng kandila sa tubig ng may hugis na mabubuo). Tapos gagaling ka na. O kaya naman kapag maysakit ka ay puro punas ng mainit na tuwalya ang iyong butihing ina tapos mayroon kang Skyflakes, Royco, Sunta o Sunkist (triangular prism pack).
Bandang alas dos o alas tres ng hapon ay dadaan sa inyong kalye ang bisekleta na may dalawang latang malaki sa likuran na may lamang tinapay like ensemada. Ang tawag natin ay "potpot" dahil mayroong busina ang bisikleta. Iyong binatog, maruya, banana cue, bibingka ay ilan lang sa nilalako sa kalye.
How about iyong "Ideal" Ice Drops and Ice Buko tsaka iyong Magnolia Ice Cream and Popsicles na nilalako sa kalye. Iyong Ideal ay mura lang dahil food flavouring lang na may munggo sa dulo unlike noong Magnolia may cannot afford ng lahat.
Maririnig mo sa radio noon (bihira lang ang may TV set) ang mga "Mata ni Angelita", Kapitan Kidlat, Mr. Lonely, "Ito ang Inyong Tia Dely" at pati na ang programa ni Kuya Cesar (na ubod bagal). How about iyong comedy skits ni Johnny de Leon na pinamagatang "Operetang Tagpi-tagpi, Sarswelang Giba-Giba"?
Cafeteria Aroma before Student Canteen. Bida si Apeng Daldal, Minyong Villegas, Manok. Simple lang ang mga patawa pero nakakatawa, hahaha.
Noong nauso ang mga imports eto iyong mga unang sumikat, Bruce "Sky" King, John Irving, Andrew Fields, Carl Terry (Toyota) ...Cyrus Mann (Crispa)...Aaron James & Glenn Mcdonald (Utex)... Byron "Snake" Jones (Toyota/Crispa), Cisco Oliver (Presto, lumabas pa sa mga pelikula bilang kontrabida)...Billy Robinson (Philman Bank)...Larry Pounds & Otto Moore (Royal Tru-Orange)...
Sa may Recto nauso noon ang Chicharong bulaklak, adidas (paa ng manok), mani or cornick na lalagyang ng suka. Mamantika tuloy iyong bangketa kapag dumadaan ka roon.
Kapag gusto mong bumili ng mga tapes, records (vinyl) at iba pang electronics, nangunguna ang Raon Street sa may Quiapo.
Kapag sinusundo ko ang aking Nanay sa Welcome Rotunda mula sa Trabaho Market sa Espana, ay tuwang tuwa kapag nakikita ko ang mga bus like Fred Liner (with Mercedes insignia, colored green), De Dios Transit (Yellow), MM and JD Transit na yari sa lawanit at kulay pula tapos dumating ang Metro Manila Bus pati ang Love Bus noong Martial Law years. How about iyong Laguna-Batangas Liner na walang wall lusutan magkabilang side ng bus tapos patulay tulay ang konduktor.
Malikmata, Limbo, Mga Aninong Gumagalaw, kapag pinanood ko sa TV ay hindi ako makatulog dahil nakakatakot.
Gusto gusto ko iyong Wild Wild West ni Jim Conrad at Artemus Gordon, iyong Time Tunnel, Green Hornet ni Bruce Lee, Land of the Giant, Star Trek, Custer (US Cavalry vs the Indians,) at marami pa.
Maraming salamat kay Arnel G Bagnes, who now lives in Lampang, North of Thailand.
Reader Nostalgia are memories and stories, sent in by our readers. Do you have some great memories or stories to share? Send your Reader Nostalgia to: nostalgiamanilamail@yahoo.com.
For more Reader Nostalgia: Tambayan Memories of Manila in the '70s from Ramon
Technorati Tags:60s, 70s, 80s, nostalgia
Wednesday, November 22, 2006
Reader Nostalgia: Memories of the '60s to the early '80s from Arnel
Posted on 6:23 AM by fjtrfjf
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment