"Bili ka ng Coke litro sa kanto."
Nostalgia Lists contain various fun memories of the '60s, '70s and '80s. Everyone is encouraged to participate and add to these growing lists. Send in your list items to nostalgiamanilamail[at]yahoo[dot]com, and those chosen will be added to the next list. Please make sure to check past Nostalgia Lists to see if your list items have already been posted.
118. Tuwing pasko may carnival sa kanto ng Edsa at Ortigas. (Doon ngayon nakatayo ang Edsa Shrine). Malaking lote pa yun noon na abot hanggang poveda.
119. King Sue ang isa sa mga brand ng hamon na nauubos pag dating ng pasko.
120. Napansin mo minsan na mukhang mas maraming commercial ang Gold Eagle beer, pero bumabawi ang San Miguel pag pasko.
121. Ang available sizes ng bote ng Coke noon ay Family Size, at 8 oz. Di nag tagal, nagkaroon ng 12 oz. at Coke Litro na prinomote ng VST & Company sa kanilang nationwide Coke Tour.
122. Field trip ng school mo sa Magnolia Plant sa Aurora Boulevard. Doon din kayo ng pamilya mo pumapasyal para kumain ng ice cream treats sa Magnolia Ice Cream House. Meron din namang Magnolia Ice Cream Parlor sa lumang Quad.
"Aber?! Nasaan na ang Nostalgia List #16?!"
Want more Nostalgia? Read: NOSTALGIA LIST #14
Technorati Tags:70s, 80s, nostalgia
Tuesday, January 2, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment