"Tara, kain tayo ng egg pie sa Up-To-Date."
Nostalgia Lists contain various fun memories of the '60s, '70s and '80s. Everyone is encouraged to participate and add to these growing lists. Send in your list items to nostalgiamanilamail[at]yahoo[dot]com, and those chosen will be added to the next list. Please make sure to check past Nostalgia Lists to see if your list items have already been posted.
128. Kakalabas pa lang ng tv commercial ng BigBang (black & dark brown wrapper), Cloud 9 (brown wrapper), at All Stars (yellow wrapper) chocolates. Pumunta ka sa sari-sari store para tikman ito, pero nakapagtataka kung bakit ang All Stars ang laging wala o mabilis maubos. Kaya naman puro BigBang at Cloud 9 na lang ang binibili mo. Minsan mo lang natikman ang All Stars at bigla na lang nawala at hindi na binebenta kahit saan mo pa hanapin.
129. Elpo hi-cut rubber shoes: Chuck Taylor style na gawa sa canvas, na itim ang signature color. Favored by action stars like then mayor Joseph (Erap) Estrada.
130. Mariwasa: Motorcycle distributor ng Honda na may showroom katapat ng Magnolia Plant sa Aurora Boulevard. Owned by the Coseteng family.
131. Masarap at mura ang mga bakery goodies ng Up-to-Date Bakery (mid '60s), was around during pre-underpass Cubao, corner Aurora Boulevard and Edsa, katapat ng Mercury Drugstore. Malapit sa sakayan ng jeep na papuntang N. Domingo.
132. Pag sumasakay ka ng bus gaya ng pulang JD Transit, may sasakay na inspector na chechekin ang mga ticket ng mga pasahero. Sinusulat niya ang mga numero ng mga ticket sa kanyang mahabang listahan na maayos na nakatiklop sa bulsa ng kanyang matinding naka-almirol na uniporme.
"Where is my Nostalgia List #18?!"
Want more Nostalgia? Read: NOSTALGIA LIST #16
Technorati Tags:70s, 80s, nostalgia
Tuesday, January 23, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment