Name: Abet Lagula
Blog: http://abet95.blogspot.com
1. Where did you grow up, and what made that place special?
Laking Sampaloc ako. Sa mismong U-belt area ako ipinanganak, at tuluyang naninirahan sa ngayon. Special, dahil hindi ka mauubusan ng mga nag-gagandahang estudyante. Puro dormitoryo ang nasa paligid ko. Masaya at parang fiesta sa kalye kapag may pasok, ghost town naman kapag mahaba-habang bakasyon.
2. What was your favorite tv show, cartoon, or children's show growing up? What did you like about these shows that made them your favorite?
Salamat sa Sesame Street at sa Batibot dahil bago pa lang ako pumasok sa kinder, alam ko na ang alpabeto at marunong na akong magbasa. At dahil sa production number sa Sesame Street ng mga muppets na tumugtog ng "letter B", nadiskubre ko ang musika ng The Beatles.
Nung adik pa ako sa cartoons; Thundercats, Voltes V, Voltron at Daimos. kabisado ko pa sila i-drowing to the minutest detail. Ngayon hindi na. Sa kalaunan, panay nood ko kay Wonder Woman dahil crush na crush ko si Linda Carter. Pati yung cartoons na Super Friends pinanood ko dahil selos na selos ako kay Aquaman at panay ang buntot niya kay Wonder Woman, kung hindi lang ako bata pa noon baka ginamitan ko siya ng utility belt ko.
Idol ko rin si MacGyver dahil hindi talaga mamatay-matay ang lintek. Lagi na lang may nagagawang imbensyon. Kakaiba ang manibela ni Michael sa Knight Rider. Hanggang ngayon wala pa rin ako makitang sasakyan na may "turbo boost" button. Kay Sledge Hammer ko naman natutunan ang combination ng donuts at fresh milk sa agahan,at sabay sabi ng katagang "Trust me, i know what i'm doing."
3. Favorite music group or artist? Most memorable song?
Ang 80's para sa akin ang peak ng Pinoy Pop OPM. Bago pa man mauso ang mga tunog-kalye, hiphop at katagang "Jologs", hindi maikaka-ila na ang mga nakikinig sa Metallica o mga tipong Incubus sa ngayon, na tipong nababaduyan sa mga pop na awitin ay minsan rin naging tagahanga ni Ariel Rivera, atbp...pero hindi siya ang idol ko. Basta, OPM fan ako noon.
Maraming sumikat sa batibot na awitin:
a. Alagang alaga namin si puti. Bakang mataba, bakang maputi...
b. Ako ang kapitbahay, kapitbahay nyo. Laging handang, tumulong sa inyo...
c. Tinapang bangus, tinapang bangus, masarap at masustansya.
d. Isda-dah-dah-isda!
4. Share with our readers one of your fondest memories of growing up.
Malalaman mo ang edad ng tao kung magkano ang kanyang pamasahe sa jeep nung siya ay nag-aaral pa. Nung grade one ako, 50 sentimos ang pamasahe sa jeep. Tuwang tuwa na ako sa 5 piso na baon dahil 2 kainan na yun sa akin.
Sikat na sikat ang kahabaan ng Avenida at Recto sa mga sinehan. Isang malaking kasiyahan na sa akin ang makapanood ng pelikula. Tito, Vic and Joey, Dolphy, ang kauna-unahang pelikula ni Ian De Leon (I love you Mama, I love you Papa); yan ang mga naaalala ko na pinanood ko...habang may baon na 2 coke family size at tasty bread na may palamang peanut butter.
Feeling mayaman na ako kapag nakakapasok ako sa Jollibee. Once every two years lang ako makakain doon kapag umuuwi tatay ko galing Saudi...o kaya naman kung manalo ako ng contest sa school. Kung walang pera, masaya na ako sa treat ng nanay ko na hopia mongo at Sarsi sa tabi ng school namin.
Elementary marunong na ako mandugas sa pulang payphone ng PLDT. Kung 3 beinte-singko ang ihuhulog mo ayon sa kanta ni dingdong, 2 lang kailangan ko basta magkasunod at mabilis mo maihulog, e di tawag ka na. Yung natirang 25c, para sa extension hehe. At hindi ako bumibili ng token sa LRT-1. Ng paliitin ang laki ng piso, eksakto ang hugis nito sa slot machine. Piso lang, makararating na ako hanggang monumento.
5. What do you miss from back then that's not available today?
Game And Watch. Yung naglalakad sa kalye na nagpaparenta, piso kada laro wag lang mag game-over. Siguro sa mga baryo o kaya sa mga perya meron pa, pero sa manila wala na ako makita pa.
Milky shake. Hindi ko pa natikman hanggang sa mawala na sa Jollibee. Jukebox. 25c kada kanta. Videoke na ang bida ngayon sa masa. Haba-Haba ballpen at Kilometrico. Kilometrico ang sponsor sa mga quiz shows lalo na sa Student Canteen.
More Nostalgia Bloggista: Reno Maniquis
Technorati Tags:70s, 80s, blog, nostalgia
0 comments:
Post a Comment