nostalgiamanila3

  • Subscribe to our RSS feed.
  • Twitter
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • Facebook
  • Digg

Sunday, September 10, 2006

Nostalgia List #01

Posted on 8:19 PM by fjtrfjf
A trip back in time. Tara na at sumakay tayo ng Time Machine! Here is our first Nostalgia List! Nostalgia Lists contain various fun memories of the '60s, '70s and '80s. Everyone is encouraged to participate and add to these growing lists. Send in your list items to nostalgiamanilamail[at]yahoo[dot]com, and those chosen will be added to the next list.

1. Cherry Foodarama sa Shaw Boulevard: May mga Koi Fish sa labas, at yung mama sa hardware section kamukha ni Mr. Spock sa Star Trek.


2. Choo Choo Junction malapit sa Shakey’s Greenhills.

3. Hindi pa cementado yung fountain ng Greenhills Theater.

4. Before McDonalds meron nang Big 20 Hamburger.

5. Malaking chismis na ang Jollibee burgers ay gawa daw sa uod.

6. UFO Burger ng Shakey’s, served on a plate na may red na plastic dome cover na mukhang UFO.

7. Feeding the fish sa likod ng Virramall.

8. Pumupunta ka sa Fun House sa loob ng Greenhills Arcade para tumingin ng Blood Capsules, o Snapping Chewing Gum, at aliw ka sa Frankenstein na nasa harap.

9. Iron-On Station sa Unimart: Pipili ka ng T-shirt at pipili ka ng Iron-On na pinepress nila on the spot.

10. Unang tikim mo ng Orange Julius at waffledog sa Unimart.


11. Coney Island ice cream sa likod ng Unimart una kang nakatikim ng waffle cone, at Eskimo Roll.

12. Gift Gate: Lego, Hello Kitty at Sanrio, Matchbox Cars at Stationery.

13. Unang bukas ng McDonalds sa Greenhills: aliw ka sa drive-thru at sa playground.

14. Maggie Noodles Promo: Futuristic car racing stickerboard. Yung mga sticker ng mga cars nasa loob ng pack ng noodles. Tapos dinidikit mo sa sticker board na raceway na makikita mo sa gitnang fold out page ng Panorama Magazine.

15. Milo Promo: Wild West plastic toys. Nakukuha mo yung plastic toys sa loob ng Milo cans. Mga cowboys at indians. Pati mga olympic stand up toys often called Tautauhan.

16. Flying Tee: Simple plastic propeller + stick assembly na pinapalipad mo by sliding your palms. Nakukuha mo sa cheese snacks na usually nabibili sa mga vendor sa labas ng eskwela.

17. UFO Space Helmet: Nabibili mo sa Greenhills o sa Divisoria. Comes with a set of stickers na circle with numbers printed on them na dinidikit mo sa harap, sa taas ng visor. May dalawang antenna on each side. Isang beses nagka malaking parade ang Coca Cola sa Greenhills at yung mga naka space costume at rollerskates suot-suot nila itong helmet na to.

18. Plastic Sword Toy: Nabibili sa mga palengke. Yung gold and handle tapos may red na plastic gem sa end ng gold handle, meron pa kasamang black na plastic case na kasing haba ng sword.

19. Star Rangers: Pinaka unang ranger series na imported from Japan. Laging pinag-aawayan kung sino ang magiging Star 1 (Red Ranger) pag-naglalaro.


20. Maraming may Voltes V na laruan. Yung kapitbahay mo na may-ari ng hardware na mayaman merong Daimos na binili sa Hong Kong. Pero yung tisoy na sikat sa school may Gendizer! Kumpleto pati yung UFO! Nilalabas lang niya bawat recess time o uwian para hindi ma-confiscate ng teacher.




21. Pag lumalangoy ka sa swimming pool, iniisip mo na bubukas ang ilalim at lalabas si Mazinger Z!


22. Kung babae ka, lagi kang naiiyak sa Candy Candy. Kung lalake ka, ayaw mong ipaalam sa mga classmate mo na pinapanuod mo yun.

23. Nuong unang bisita mo sa Camp John Hay sa Baguio, aliw ka sa vending machines na may Fanta (in cans!), mini-golf, at PX Goods na grocery. Feeling mo nasa states ka dahil rin malamig!

24. Ang unang Coke in cans hinihila mo yung tab para humiwalay sa can, pero minsan nakaka-sugat kayat dahan dahan mong iniinom.

25. Si Lolo at si Lola laging may reserbang lata ng Sky Flakes o Sunflower crackers.

26. Nuong field trip mo sa Goya Fun Factory ang una mong hinanap ay yung chocolate stream kasi nakita mo sa commercial.

27. Popular T-shirt designs na embossed at puffy: Star Rangers, Watari The Wonder Boy, Voltes V, Daimos, Superman, at Batman.

28. RC Racetrack sa may parking lot ng Unimart: kung saan nag-kakarera ang mga gas powered na RC, usually Formula 1 cars, at amoy gas pag nanunuod ka sa tabi. Ginawang Mini-Golf (Par 44) na may dinosaur nuong late 80s.

29. Pinag-susuot ka ng corduroy na pantalon.

30. Minsan nalilito ka sa schedule ng GMA 7. Excited ka manuod ng Voltes V pero ang palabas ay Kapwa Ko Mahal Ko na ang host si Orly Mercado. Ang sponsor ng Voltes V ay Purefoods at Square Fruit Chews candy na gawa ng Sugus. Yun ang mga logo sa Voltes V coloring books.

31. Natatawa ka sa matabang intsik na bata na nakasuot ng chef uniform sa commercial ng Marca Pina. “Pina asim!”

32. Curious ka sa lasa ng Lipovitan.

33. Paminsan-minsan may baon kang Yakult sa lunchbox mo.

34. Aliw ka sa rainbow colors ng Fruit Stripe chewing gum, yung may cartoon na zeebra sa package, pero mahal. Kaya bumibili ka sa sari-sari store ng Big Boy bubble gum. (Red/orange at yellow ang papel na wrapper).

35. Kinukulekta mo ang tansan ng softdrinks para sa Superhero board game na larong dama.

36. Aluminum tube pa ang mga toothpaste noon, at napaka-futuristic ang dating ng unang labas ng Pepsodent dahil plastic ang tube.

37. Mas mukhang masarap ang itsura ng Hubbard Chicken commercial kaysa sa Magnolia Chicken.

38. Meron pa noon Beef Curlz ang Jack & Jill snacks. Ang Chippy nabibili din sa canisters. Hindi lang Chocolate Pretzels ang meron kundi yung plain sugar na pretzel sticks.

39. Piso lang ang isang maliit na bowl ng Taho. Pag malaking bowl, binabayad mo 5 pesos, yung green na 5 pesos. Maraming taho yun at kasya sa buong pamilya pang meryenda.

40. Ang Sunkist Juice ay nabibili sa triangle na tetra-pack. May papel na selyo na peel-off bago mo saksakan ng straw.

42. Merong Daisy brand na milk. May plain, chocolate, tapos yung pink ay strawberry flavor.

43. Pagandahan ng pencil box sa school. Ibat ibang mga design, pero ang pinaka maganda ay yung super pencil box na dual layer na folding, na maraming compartments. May pop-out na pencil sharpener, sliding ruler, at special compartment para sa eraser.

44. Uso sa school ang Bensia Space Pencil. Transparent ang casing na iba ibang kulay at parang bala yung mga pencil tips na pinapasok sa end ng pencil. Sabi sa iyo ng mga classmate mo na yung pwit ng pencil ay pwedeng eraser, pero hindi naman totoo dahil plastic lang yun!

45. Mga ballpen na gamit natin sa school: Kilometrico ("I write thousands and thousands of words."), Haba Haba Ballpen (“...writes long!”), Escribo, at Scribbler Footlong ballpen na sumikat matapos ginamit sa Bagets. Pag-nakatanggap ka ng sulat sa crush mo at mabango, ibig sabihin Funny Friends ang ginamit niya.

46. Paramihan ng stickers, pencils, at erasers.

47. Paramihan ng Tex Cards! Sikat ang Zuma na Tex at comics.

48. Questor Magazine Book: Featuring Voltes V, Daimos, Mekanda Robot, Grendizer, Getta Robot, at Mazinger Z. Smooth hi-grade paper at napaka-gandang illustrations.

49. Lagi mong pinapatugtog sa record player mo: Super Robots na LP, Nail Clippers, o VST & Company.

50. Kahit saan ka pumunta pinapatugtog ang BeeGees.

51. Russel Yoyo craze na pakulo ng Coca Cola! Coke (red/white), Royal (all orange), Sprite (green/white), Mellow Yellow (yellow/white), Super Spinner (Coca Cola face/transparent sides). Pinag-ipunan mo para bumili ng super spinner, pero nalaman mo na madaling maputol ang string pag-ginagawa mo ang “walking the dog” trick. Pupunta ka sa sari-sari store para bumili ng bagong yoyo string, at hinihintay mo mapanuod ang yoyo contest sa Student Canteen.


52. Pag-gumising ka ng maaga at nakatutok ang mga katulong sa AM Radio (DZRH Radio Balita) at umuulan ng malakas, ibig sabihin bumabagyo at walang pasok.

53. Similar ang amoy ng bagong notebook at mongol pencil sa amoy ng ulan. Pero ang totoo, naiisip mo lang yun dahil tag-ulan pag umpisa ng pasukan.

Nostalgia Lists are updated and posted every week.
Read ALL (including current) Nostalgia Lists now!

Technorati Tags:70s, 80s, nostalgia

Email ThisBlogThis!Share to XShare to FacebookShare to Pinterest
Posted in Memories, Nostalgia Lists | No comments
Newer Post Older Post Home

0 comments:

Post a Comment

Subscribe to: Post Comments (Atom)

Popular Posts

  • Classic WB Cartoons! Watch Merrie Melodies & Looney Tunes Full-Length Episodes
    Nostalgia Manila Free TV Enjoy watching full-length DVD quality episodes of some of your favorite '70s and '80s tv shows! New episod...
  • Remembering Marlo And The Magic Movie Machine
    Marlo and the Magic Movie Machine is one of those long lost gems that we all loved watching back in the late '70s. After several years o...
  • Nostalgia Treasure: Jollibee Character Song Cassette Tapes
    "Naaalala mo pa ba ito?" Everyone has some Nostalgia Treasure waiting to be found. Dig up your Nostalgia Treasure and share it wi...
  • Original Eat Bulaga Theme Lyrics
    "Mula Aparri hanggang Jolo..." Ang Eat bulaga ay unang pinalabas noong July 30, 1979 sa RPN 9 (Radio Philippines Network) sa Broa...
  • Cartoon Flashback: Remembering The Super 6
    The Super 6 was an animated cartoon series which was produced by DePatie-Freleng Enterprises in 1966 and shown every Saturday morning during...
  • Si Pugo at si Togo: The original comic duo!
    Si Pugo at si Togo ay ang original na comic duo na nagbigay katatawanan sa mga Pilipino noong panahon ng gera (Japanese occupation) ng World...
  • Nostalgia List #06
    "Nengenegeneng... nengenegeneng!" Nostalgia Lists contain various fun memories of the '60s, '70s and '80s. Everyone is...
  • From Waikiki With Love: Remembering Tom Babauta
    By: Guillermo Ramos The star of Strangers in Paradise remained a stranger in paradise. For decades the Philippine movie industry has been ...
  • The Decline of Pinoy Komiks & Slow Extinction of Traditional Filipino Games
    Philippine Komiks Industry Collapses, Komiks Congress In Session Our good friend, renowned comic artist, writer, and Komikero Gerry Alanguil...
  • Nostalgia Bloggista: Ala Paredes
    Are you a Pinoy Blogger? Get featured as a Nostalgia Bloggista! Not only are you sharing your wonderful memories of the '70s and '80...

Categories

  • Album Covers
  • Album Of The Week
  • Articles
  • Bagets
  • Battle Of The Stars
  • Bmx Diaries
  • Cars And Cool Rides
  • Cartoon TV Rama
  • Cartoons And Children's Shows
  • Choose Your Own Adventure
  • Comics
  • Commercials
  • Contests and Promos
  • Daimos
  • Electric Company Mondays
  • Fan Mail
  • Fashion
  • Filipino Classic Cinema
  • Flintstones
  • Gilligan's Island
  • GRamos
  • Interviews
  • Japanese Robots
  • Jetsons
  • Jingle Song Hits Favorites
  • Klassik Komiks Covers
  • Little Jungle
  • Living In The Twilight Zone
  • Looney Tunes
  • Lyrics
  • Magazines
  • Memories
  • Menu
  • Merrie Melodies
  • Movies
  • Mula Sa Mahiwagang Baul
  • Music
  • Music Videos
  • New Adventures Of Batman
  • NewsFlash
  • Nostalgia Bloggista
  • Nostalgia Lists
  • Nostalgia Manila Free TV
  • Nostalgia Treasure
  • Nostalgia Wheels
  • Penmans Point
  • Photo Nostalgia
  • Places
  • Pormang Nostalgia
  • Postcards
  • Quizes And Puzzles
  • Real Life Scary Stories
  • Scooby-Doo
  • Seeing Stars
  • Silverhawks
  • Sino Nga
  • Smurfs
  • Specials
  • Sponsor Page
  • Stories
  • Super 6
  • Tarzan
  • Television
  • The Adventures Of Superman
  • The Random Recall Machine
  • The Sesame Street Lunchbox
  • Three Stooges
  • Thundercats
  • Toys And Games
  • TV Times Television Greats
  • Ulysses 31
  • Updates And Announcements
  • Video Hit Parade Classics
  • Voltes V
  • Vst And Company
  • Wonder Woman

Blog Archive

  • ►  2007 (269)
    • ►  March (89)
    • ►  February (100)
    • ►  January (80)
  • ▼  2006 (151)
    • ►  December (6)
    • ►  November (64)
    • ►  October (44)
    • ▼  September (16)
      • Nostalgia List #05
      • Cartoon Flashback Of The Week: CANDY CANDY!
      • Nostalgia List #04
      • "Saan mo gusto pumunta? Lipad tayo!"
      • How Deep is your Love / The BeeGees Chords & Lyrics
      • Reader Nostalgia: Tambayan Memories of Manila in t...
      • Nostalgia List #03
      • "I am Agent Double Zero!" It's Weng Weng!
      • Sharon Cuneta / Sharon Vintage LP
      • Nostalgia List #02
      • Celso Ad Castillo Film Posterama
      • Forgotten Wonders Of The PLDT Rotary Phone
      • Game & Watch! The Original Pocket Video Game
      • VST & Company Photo Album: Nostalgic Photos of The...
      • Sampaguita Vintage LP
      • Nostalgia List #01
    • ►  January (21)
  • ►  2005 (1)
    • ►  December (1)
Powered by Blogger.

About Me

fjtrfjf
View my complete profile