59. Si Bert Tawa Marcelo at si Pelita Corales ang hosts ng Bagong Kampeon. Natatawa ka sa mga jokes ni Bert, at pag nagtatagalog si Pelita meron siyang Cebuana accent.
60. White Rabbit candy, nakakain mo yung papel! Minsan nakikita mo na offering sa Sto. Nino ng bahay ng lola mo.
61. Haw Flakes, kungyari 1st communion.
62. Sa Club Filipino at Jeepney Bar sa Intercon Hotel ang may pinaka-masarap na Fresh Mango Juice, at Green Mango Juice. May totoong mga Jeepney sa loob ng Jeepney Bar noon na pinapasukan mo at doon sa loob ng Jeepney may mesa kung saan ka paghahandaan. Tapos pwede ka umupo sa harap ng jeep para magkungyari na ikaw ang driver na namamasada. "Beep! Beep!"63. Wala pang cable noon, pero meron namang Far East Network (FEN) ng US Armed Forces. Doon ka unang nakapanuod ng Wheel Of Fortune. *Salamat kay Alvin*
Don't go away! Nostalgia List #04 coming up! "Sarap naman!"
Need more Nostalgia? Read: NOSTALGIA LIST #02
Technorati Tags:70s, 80s, nostalgia
0 comments:
Post a Comment