"I gave you a license to drive me up the wall, I just can’t shake this spell that your love keeps me under."
1984 ang taon na nainlab ang buong Pilipinas kina Robby Rosa, Ray Reyes, Roy Rosello, Charlie Rivera, at ang pinakabatang miyembro ng grupo na si Ricky Martin. Kahit saan ka pumunta noon ay makikita mo ang kanilang mga posters at kung anu-anong advertising materials. Lagi silang guest sa lahat ng mga local tv shows para i-promote ang kanilang mga sold-out concerts, at kinikilig ang mga dalagita pag nakikita nila ang mga teen idols sa mga tv commercials. Malaki ang kinita ng mga nagbenta ng Menudo merchandise noong kainitan ng grupo sa Manila: notebooks, pencil cases, erasers, tshirts, bedsheets, relos, at kung anu-ano pa! Itong kantang ito ang naging official theme song ng pelikulang Cannonball Run 2, at ang introduction song ng grupo sa kanilang pagsikat sa Pilipinas.
May magandang balita ang Nostalgia Manila para sa lahat ng fans ng original Menudo! Available na ngayon ang Menudo "Video Explosion" DVD! Mapapanuod mo na ang lahat ng iyong mga paburitong music videos ng grupo! The Menudo "Video Explosion" DVD is now available at Nostalgia Manila's Retro Mart! Get it today!
Technorati Tags:80s, music, music video, nostalgia
0 comments:
Post a Comment