"Pretty looking road I try to hold the rising floods that fill my skin."
Nasira ang ulo ng mundo sa Duran Duran noong nilabas nila ang kanilang album na Rio noong 1982. Marami ang naging instant fans at naloko sa bagong banda na galing England, at parang nagka Beatlemania repeat ayon sa press. Kahit saan sila mag tour, ay mabibingi ka sa tunog ng mga sumisigaw na mga fans, na karamihan ay mga babaeng teenagers na patay-na-patay sa kanilang mga gwapong idols na sina: Nick Rhodes, Simon Le Bon, at ang magkakapatid na sina Roger, Andy, at John Taylor. Ang Duran Duran ay isa sa mga banda na talagang sumikat sa tulong ng kanilang mga music videos, na panibagong promotional medium ng panahon. Naging popular ang kanilang mga videos dahil sila ang isa sa mga naunang mag-shooting sa mga exotic locations. Ang Save A Prayer ay isa sa kanilang matitinding hits na naging paburito ng million-million na mga music fans.
Technorati Tags:80s, music, music video, nostalgia
0 comments:
Post a Comment