Pero ang pinakamabiling version ay ang mas murang bootlegs na kung saan-saan ginawa. Merong made in: China, Taiwan, Macao, Mexico, meron pang rare na model na gawa sa El Salvador. Pero kahit saan pa man ito ginawa, pare-pareho ang itsura dahil standard ang mga plastic parts, at halatang mas mababa ang quality dahil mas magaan, at mas madaling masira kung ikukumpira sa version na gawa sa Japan. Madaling lumuwag ang joints, at habang tumatagal mas mahirap i-snap-back sa kanyang strap dock. Sari-saring mga kulay ang mapapagpilian, pero sikat at mabili ang kulay itim, at medyo mahirap hanapin ang kulay navy o silver.
Ang mga letrato ng mga robo watch na nandidito, ay ang pinakamurang bootleg versions. Walang packaging, at hindi totoo ang kanyang digital watch, dahil sticker lang ang kanyang display screen. Ikaw? Anong kulay ng Robo Watch mo?
Technorati Tags:80s, toys, nostalgia
0 comments:
Post a Comment