Swerte rin naman talaga itong mga anak ko. Pag type nilang manood ng favorite movies nila, hahanapin lang nila ang DVD nito at isasaksak sa DVD player. Instant gratification! Sa bahay pa lang, napanuod na nila ang sine. Hindi na nila kailangang hagilapin pa ito sa mga second-run theaters. Anytime of the day, basta gusto nilang mapanuod si Buzz Lightyear o makipag-halakhakan kay Shrek, pwedeng-pwede!
Pag Action, hindi pwede; puro barilan at suntukan lang raw naman. Pag may seksing mga bebots, hindi rin pwede. Bomba raw yun, For Adults Only . Eh kung may Nora o Vilma, hindi rin pwede. Bakya! Si Dolphy kaya? Yan, sige, OK. Hayun, kasama mo pa sila sa last full show ng Omeng Satanasya. Hindi ko nga man lang naintindihan yung buong storya. Sa haba eh nakatulog pa ata ako. Ang naaalala ko lang, tatlo ang roles ni Dolphy duon- matandang scientist na nagpabata, anghel, at baklang dimonyo.
Pero pag Disney Animated Films, aprub naman ang mga parents namin. Dumbo, Mary Poppins, Cinderella, Sleeping Beauty,etc.; wholesome at pang-pamilya ang tema ng mga storya kaya OK sa kanila.
Ang problema, once in a blue moon nga lang kung ipalabas. Tipong papatayin ka sa pananabik; kaya pag napanuod mo tuloy, gusto mo pang ulitin. Parang gusto mo nang tumira sa loob ng sinehan. Kasi naman, kapag natapos mo na ang palabas at pa-exit ka na sa lobby, alam mo na bawal nang bumalik sa loob. Sabi kasi nung guard bawal ang repeats at milagro lang kung magbayad pa ulit sa Papa at Mama, para lang pagbigyan ang kapritcho mo.
Kaya kung nag-enjoy kang panuorin ang mga UFOs at aliens sa Close Encounters of the Third Kind, at gusto mo pang ulitin, (Bakit kasi nagalit kay Richard Dreyfuss yung asawa nya? Para gumagawa lang naman ng bundok ng mashed potatoes ) sorry ka na lang!
Hindi pa kasi naimbento ang betamax o VHS nuon. Mga dalawang dekada pa ang iintayin mo bago mauso ang DVDs.
Siguro naman, pag inabot mo pa ang araw na yon, kung se-swertehin ka at kumikita ka na; can afford mo nang bumili ng sarili mong DVD player at mangolekta ng ibat-ibang titulo sa DVD. Pagdating ng araw na yon, betcha by golly wow!
I betcha, gagasgasin mo ang mga DVDs mo ng Star Wars Collection at walang pwedeng pumigil sa yo, kahit na mapudpod pa ang daliri mo sa remote. Anak, tabi nga dyan, ako naman.
More Random Recall Machine: The Makati We Once Knew
Technorati Tags:70s, memories, nostalgia
0 comments:
Post a Comment